Bagong istratehiya vs. iligal na droga, ilulunsad ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilulunsad ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang “recalibrated approach” o bagong istratehiya sa kampaniya kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, ito’y sa pamamagitan ng pagtugis sa source o pinanggagalingan ng suplay ng iligal na droga sa halip na ang mga sangkot dito.

Giit ng PNP chief na naniniwala siyang mas mareresolba ang problema sa iligal na droga kung mapuputol ang ugat nito upang tuluyang mamatay ang industriya.

Sa ganitong paraan, tiyak na magiging “less bloody” o hindi na madugo at marahas ang kampanya kontra iligal na droga sa halip ay nakasentro ito sa pagpapanagot sa mga nasa likod nito.

Kasama sa bagong istratehiya ang mas pinaigting na intelligence operations at mas pinalakas na ugnayan ng Pulisya sa mga komunidad.

Batay sa datos ng PNP mula Hulyo ng 2022 hanggang Hulyo ng 2024, aabot na sa ₱36.5-billion ang halaga ng mga nasabat na iligal na droga sa mga ikinasa nilang operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us