Ipinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng revised guidelines para sa mga toll expressway.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa halip na sa darating na August 31, ipatutupad na ang bagong panuntunan sa October 1.
Paliwanag ng kalihim, sa pamamagitan ng isang buwang palugit ay magbibigay daan ito upang maisaayos ng husto ang operasyon ng mga expressway at mabigyan ng sapat na panahon na mabigyang abiso ang publiko.
Nabatid na sa ilalim ng bagong panuntunan, pagmumultahin na ang hindi pag-i-install ng electronic toll collection device o ang kulang na load balance ng Radio Frequency Identifiation Device (RFID).
Ipinag-utos din ni Bautista ang pagpapakalas ng deputization sa mga tollway enforcer sa pagmamando ng trapiko sa mga expressway sa pamamagitan ng cashless o contactless toll plaza. | ulat ni Jaymark Dagala