Pag-aaralan ng national secretariat ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang mungkahi na magkaroon ng AM radio program.
Sa ginanap na BPSF Agency Summit isa sa mga suhestyon ay ang pagkakaroon ng radio program ng BPSF upang maipaabot sa mga Pilipino na walang access sa internet ang mga impormasyon ukol sa serbisyo fair gaya ng mga programa na maaari nilang i-avail.
Ayon kay House Deputy Secretary General Safonias Gabonada, bago ang pagbisita ng BPSF sa isamg lalawigan ay nagsasagawa sila ng press conference kasama ang local media para maipaabot ang mga impormasyon.
Ngunit hindi aniya nila isasantabi ang ang pagkakaroon ng programa sa radyo.
Makikipag-ugnayan aniya sila sa state run media gaya ng PIA, PTV4, at Radyo Pilipinas kung paano ito maisasakatuparan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes