Ilalagay muna ng World Health Organization (WHO) ang mga bakuna laban sa mpox sa bansang Africa.
Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) nang magpulong nitong weekend ang mga eksperto at mga kinatawan ng World Health Organization.
Sabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na nagkasundo ang buong mundo na ibuhos muna sa Africa ang mga bakuna upang hindi na ito kumalat pa.
Sa ngayon, lumala na ang sitwasyon sa naturang bansa dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng mga tinatamaan ng mpox.
Sa Pilipinas, nananatiling 10 ang kaso ng mpox pero ang lahat ng ito ay gumaling na.
Pero kahit ibubuhos sa Africa ang mga bakuna, nagawa pa rin ng DOH na magpareserba upang agad may magamit ang Pilipinas sakaling maging available na uli ito sa merkado. | ulat ni Mike Rogas