Tuloy na sa Biyernes, August 30, ang pag-arangkada ng bakunahan kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assiatant Secretary Arnel de Mesa, posibleng simulan sa 2,000 doses ang conrolled ASF vaccination mula sa mga hog raiser at commercial farm sa Batangas na unang nagpahayag ng interes na lumahok sa bakunahan.
Tiniyak naman ng DA na tututukan ng advisory group at ng technical team ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA) ang gagawing bakunahan.
Kung magiging matagumpay ito, itutuloy aniya ang bakunahan sa Quezon at sa iba pang lugar na infected ng ASF.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang DA sa mga magbababoy na magbabalak na magbakuna ng hindi pa aprubado ng gobyerno.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang biosecurity, pinahigpit na border control, at pati na ang repopulation program ng DA para maprotektahan ang hog industry mula sa patuloy na banta ng ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa