Upang palakasin ang mga bangko at iba pang financial institutions laban sa cyber threats, inilunsad ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Financial Services Cyber Resilience Plan (FSCRP).
Ang FSCRP ay magsisilbing comprehensive at primary road map na naglalayong palakasin ang tibay ng mga financial services sector laban sa cyber threats.
Magiging panuntunan din ito para sa high-level goals at strategies para mamintini ang integridad at seguridad ng financial ecosystem ng bansa.
Binigyang halaga ni BSP Governor Eli Remolona ang cybersecurity sa gitna ng hangarin ng gobierno na digitalization.
Hinikayat din nito ang mga stakeholders na isulong ang holistic approach bilang protection laban sa cyber threats.
Ang launching ay dinaluhan nila Senator Mark Villar, Congressman Irwin Tieng at mga opisyales ng BSP at DICT.| ulat ni Melany V. Reyes