Mabilisang aksyon ang isinagawa ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines Area Center 12, kasama ang ibat ibang airport authorities para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga staff sa Butuan airport.
Ayon sa inisyal na report mula sa Butuan Airport Police Station (BAPS), nakatanggap sila ng isang text message bandang alas singko kahapon ng hapon na may isang bomba ang inilagay sa comfort room ng boarding area at sa isang naka check in na bagahe sa flight mula Cebu patungong Manila.
Dahil dito ay agad na inactivate ang Incident Command System para mapamunuan ang emergency response at mapangasiwaan ang sitwasyon sa maayos na pamamaraan.
Nagsagawa din ng panelling ang mga otoridad at mapayapang clearing operation sa sinasabing pinaglalagyan ng bomba na nauwi naman sa negatibong resulta.
Giit ng CAAP, ang mabilisan at maayos na aksyon ng mga otoridad sa paliparan ay naisagawa ng walang nabubulabog na anumang byahe sa Butuan airport. | ulat ni Lorenz Tanjoco