Banta sa buhay at kaligtasan ng mga Pinoy seafarers nananatili sa Red Sea — DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy seafarers na nananatiling mapanganib sa mga barko ay maglayag  sa Red Sea. 

Giit ng DFA, lalo pang lumala ang nasabing panganib dahil sa away sa Red Sea, na nagdudulot ng banta sa buhay ng lahat ng Pilipinong tripulante na nagtatrabaho sa naturang lugar. 

Dahil dito, hinihikayat ng ahensya  ang lahat ng tripulanteng Pilipino,  na gamitin ang karapatan ng mga ito na huwag lumayag sa Red Sea.

Pagbibigay-diin pa ng DFA marapat na iwasan ng lahat ng Pilipino ang nasabing rehiyon kung hindi naman sa matinding pangangailangan ang dahilan ng pagpunta sa nabanggit na lugar. 

Matatandaang makailang beses nang nabiktima ang mga Pinoy seafarers ng pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa iba’t ibang mga barko na naglalayag sa nasabing karagatan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us