Barko ng BFAR, binangga at binomba ng water cannon ng mga barko ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaranas ng panibagong pangha-harass ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa kamay ng walong Chinese vessels habang nagsasagawa ng isang humanitarian mission mula Hasa-Hasa Shoal patungong Escoda Shoal kahapon.

Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea, hinarangan at pinalibutan ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at ng ilang China Coast Guard (CCG) vessels ang BRP Datu Sanday sa pamamagitan ng delikadong maniobra, kabilang ang pagbangga, malakas na busina, at paggamit ng water cannon na nagresulta sa pagkasira ng makina ng barko.

Dahil dito, hindi na nito naituloy ang misyon na maghatid ng diesel, pagkain, at mga medical supply para sa mga mangingisdang Pilipino.

Sa kabila ng insidente, nananatiling mataas ang morale ng mga tauhan ng BFAR at ligtas silang lahat.

Pinabulaanan din ng task force ang mga impormasyong may mga tauhan ng BFAR na nahulog sa dagat at sinagip ng Chinese Coast Guard.

Muling nanawagan ang pamahalaan sa China na itigil ang mga agresibong aksyon na nagdudulot ng panganib sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us