May 870 tonelada ng basura ang nahahakot na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila mula Hulyo 24-31, 2024 matapos manalasa ang Bagyong Carina at Habagat.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, tuloy-tuloy pa ang clean up operations sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan.
Binigyan diin din ng MMDA ang prayoridad na makumpuni ang nasirang Malabon-Navotas River Navigational Gate.
Mahigpit nilang tinututukan ang sitwasyon at nagsasagawa ng mga naaangkop na aksyon.
Aminado si Artes na masyadong komplikado ang pag-aayos ng navigational gate at kailangan ang maging maingat.
Sa tulong ng DPWH, ginagawa ng MMDA ang lahat batay sa napagkasunduang timeline at tiniyak nito na mapapabilis
ang pag-aayos.| ulat ni Rey Ferrer