Bentahan ng frozen meat sa Pasig City Mega Market, tumumal dahil sa banta ng ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matumal pa rin ang bentahan ng frozen meat sa Pasig City Mega Market kahit pa di-hamak na mas mababa ang presyo nito kumpara sa mga sariwang karne.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang mga nagtitinda na may ilang mamimili ang may agam-agam sa pamimili ng karne.

Duda nila, may kinalaman sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular na sa bayan ng Lobo sa lalawigan ng Batangas.

Sa ngayon kasi, nasa sa ₱230 ang kada kilo ng frozen kasim habang nasa ₱320 naman ang presyo ng kada kilo ng frozen na liempo.

Mas mababa ito kumpara sa ₱310 kada kilo ng fresh na kasim habang ₱370 ang presyo naman ng kada kilo ng sariwang liempo na bumaba na rin ang presyo kumpara noong nakalipas na mga linggo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us