Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 10 sa pamamagitan ng Provincial Fisheries Office of Misamis Occidental (PFO-MisOcc) ng kabuuang bilang na 7,000 Bangus fingerlings sa Baliangao Fisherfolk Association (BAFA) sa Northern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental kamakailan.
Pinakawalan ito gamit ang 10×10 metro na bamboo fish cage na magsisilbing tirahan ng mga isda upang matiyak ang kalusugan at pag-unlad nito.
Naghayag naman ng pasasalamat si BAFA President Mario Ontolan, sa suportang ibinahagi ng BFAR upang mapahusay ang kanilang pangkabuhayan.
Ito ay sa ilalim ng Special Areas for Agricultural Development (SAAD) program phase 2 ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mangingisda at magsasaka sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga livelihood assistance sa mga ito. | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan
📸: BFAR SAAD Region 10