Umakyat pa sa 43,000 na pamilya o katumbas ng 162,619 indibidwal ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Terranova oil tanker sa Limay, Bataan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama sa apektado ang Central Luzon at Calabarzon Region.
Hindi naman tumitigil sa pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado ng oil spill kabilang ang pamamahagi ng family food packs.
As of August 8, aabot na sa ₱5.5-million ang nailaan nitong humanitarian assistance sa mga apektadong LGUs
Una na ring iniulat ng DSWD na aabot na rin sa 35,000 ang naipamahagi nitong food packs sa mga apektadong pamilya sa Bataan at Cavite. | ulat ni Merry Ann Bastasa