Bilang ng mga nahahawaan ng kasong Pertussis, bumababa na — DOH 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na ang 500,000 dosage ng bakuna na binili ng Department of Health (DOH) laban sa sakit na Pertussis o ubong-dalahit. 

Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, nasa cold storage na ng DOH ang nasabing bakuna at inihahanda na lamang ang mga kaukulang dokumento upang maipamahagi na ito sa mga Health Centers. 

Kaugnay nito, iniulat ng DOH na bumababa na ang bilang ng mga nagkakasakit ng Pertussis sa bansa. 

Sa nakalipas na dalawang buwan, nakakapagtala na lamang ang DOH ng 50 kaso ng Pertussis kada linggo kumpara sa 300 kaso kada linggo ng buwan ng Abril. 

Noong July 7 hanggang July 20, mayroong 131 na kaso, 77 kaso noong July 21 hanggang August 3, at 19 na kaso noong August 4 hanggang August 17.

Bunga ito ng ginawang routine vaccination ng ahensya sa mga bata mula sa iba’t ibang probinsya. 

Samantala, apat na rehiyon na lamang ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng Pertussis at ito ay ang Cagayan Valley, Metro Manila, Western Visayas, at Davao Region. 

Samantala, nakatakda ring dumating sa susunod na linggo ang 750,000 dosage na bakuna para sa measles o tigdas. 

Pinapayuhan ang mga magulang na may anak na edad anim na taon pababa na dalhin sa mga Health Centers para mabigyan ng nasabing mga bakuna. 

Pinasalamatan ng DOH ang mga LGU sa mahigpit na pakikipagtulungan nito para labanan ang Pertussis at Measles sa bansa.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us