Umakyat sa ₱1.28 trillion ang nabayarang utang ng gobyerno mula January to June 2024.
Ayon sa Bureau of Treasury ang debt payment ay nasa ₱1.283 trillion na mas mataas ng 35% mula sa ₱907 billion sa parehas na buwan noong 2023.
Ito ay 67% na ng nakaprogramang debt payment na ₱191 trillion para ngayong taon.
Ang nabayarang utang ay para sa amortization ng domestic debt ba nagkakahalaga ng ₱757.43 billion habang nasa ₱148.13 billion sa utang panlabas.
Tinatayang nasa ₱486 billion naman ang interest payment ng mga utang kasama ang treasury bonds and bills.
Sa ngayon nasa ₱15. 48 trillion ang utang ng Pilipinas habang ang debt to GDP ratio para sa second quarter ay nasa 60.9%. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes