Inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paglikha ng sophisticated algorithm na may kakayahan sa pagtukoy ng ghost receipts.
Resulta ito ng pagtutulungan ng BIR at Ateneo De Manila University-Math Department para sa paglaban sa ghost receipts at tax fraud, sa pamamagitan ng paggamit ng matimatika at data analytics.
Ang algorithm ay binuo ng mga mahuhusay na estudyante ng Ateneo De Manila Math Department.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., dahil sa partnership na ito ng BIR at Ateneo hindi na kailangan ang magsagawa pa ng mga raid para sa Run After Fake Transactions (RAFT) Program.
Ang binuong algorithm na aniya ang maaaring makakakita ng ghost receipts. | ulat ni Rey Ferrer