Sinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bahay sa Lagtang, Talisay, Cebu dahil sa talamak na pagbebenta ng mga pekeng ID ng gobyerno online.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nasamsam sa raid ang mga bagong gawang pekeng ID, kabilang ang Taxpayer Identification Number (TIN) at PhilHealth cards.
Kasama ding kinumpiska ang mga kagamitan na ginagamit sa kanilang produksyon, tulad ng mga printer, computer, at laminators.
Naaresto din sa ginawang pagsalakay ang isang Geraldine Tausa.
Ayon sa NBI, ang Tausa group ay isang kilalang sindikato na nagbebenta ng nasabing mga pekeng ID online sa presyong mula P150.00 hanggang P380.00. | ulat ni Rey Ferrer