Biyahe ng LRT-2, bahagyang naantala kasunod ng aberya sa isang tren nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panandaliang naantala ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga.

Ito’y matapos magka-aberya sa isa sa mga tren nito partikular na sa bahagi ng J. Ruiz Station.

Dahilan upang itigil muna ang biyahe mula Antipolo Station patungong Recto Station at pabalik.

Gayunman, ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), agad ding naisaayos ang nagka-aberyang tren.

Nagresulta naman ito sa pagkaka-istranded ng maraming pasahero ng tren partikular na sa bahagi ng Marcos Highway.

Naging pahirapan ang pagsakay ng mga pasahero lalo’t mabigat din ang nararanasang lagay ng trapiko sa naturang kalsada. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us