British Chamber of Commerce of the Philippines binati ang mga Pinoy athletes na lumaban sa Paris Olympics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ng Bristish Chamber of Commerce (BCCP) of the Philippines ang pagbati sa mga Pilipinong atleta na lumaban sa Paris Olympics.

Sa isang panayam, sinabi ni BCCP Executive Director/Trustee Chris Nelson na maituturing na historic achievement ito ng Pilipinas kung saan nakapag-uwi ng apat na medalya — 2 gold at 2 bronze medals.

Binati rin ni Nelson si double-gold Filipino athlete Carlos Yulo sa kanyang tagumpay at ang iba pang atleta sa kanilang “best performance.”

Kinilala rin ng UK official ang Olympic hosting ng France, aniya nagbunga ang investment nito sa sports.

Dagdag pa nito  maituturing na malaking bagay sa mga bansa na mag-invest sa sports gaya aniya ng United Kingdom na patuloy na namumuhunan sa palakasan.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us