Tiniyak ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na committed ang Philippine Navy na tiyakin na patuloy na “habitable” ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kasabay nito sinabi ni Trinidad na mandato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga tauhan na nagmamando sa BRP Sierra Madre.
Kinumpirma rin ng opisyal na magpapatuloy ang paghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre at regular na “rotation” ng mga tropa; dahil mananatili itong permanenteng presensya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Samantala, binalewala lang ni Trinidad ang panawagan ng China na i-pull out ang mga tropang nagmamando sa BRP Sierra Madre at sinabing bahagi lang ito ng “false narrative” na pinapakalat ng China. | ulat ni Leo Sarne