Lumagda ng kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bank of Cambodia na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang central bank.
Kasunod ng paglagda ng MOU, nagkaroon ng high level bilateral meeting sina BSP Gov. Eli Remolona at NBC Gov. Chea Serey kung saan tinalakay ng pinakahuling macroeconomic at financial development and outlook, payment system.
Ang kasunduan ay sumasalamin sa commitment ng BSP at NBC na maglabas ng clear framework para sa facilitation ng bilateral ties at enhancement ng cooperation.
Inaasahan din ng BSP na sa pamamagitan ng kanilang kasunduan sa Bank of Cambodia ay mahihikayat ang iba pang kolaborasyon sa larangan ng central banking, payment connectivity at innovation at iba pa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes