Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagbaba ng inflation rate ngayong taon.
Sa pagharap ni BSP Gov. Eli Remolona sa pagsisimula ng budget deliberation sa 2025 proposed budget, sinabi niya na mula nuong nakaraang mga taon malaki ang naging epekto ng “global large supply shocks” sa inflation ng bansa.
Ang supply shocks sa pandaigdigang merkado ay higit na nakaapekto sa presyo ng eherhiya at pagkain sa bansa.
Ngayong 2024, naging maganda anya ang inflation survey dahil ito ay “well anchored,” at pasok sa target range ng DBCC.
Malaki anya ang tulong ng decision ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng rice tariff cut o EO62 upang mapababa ang presyo ng bigas na siyang nakaapekto sa inflation expection at nagdulot ng pangamba sa publiko.
Para makatulong sa lalong pagbaba ng inflation.. patuloy rin anyang palalakasin ng bansa ang agriculture production.
Patuloy na magbabantay ang BSP at mga economic managers sa inflation outlook ng bansa at titiyakin ng Sentral Bank na naka “steady” ang policy setting sa ngayon at kung patuloy na huhupa ang price pressures ay maaring ipatupad ang mas maluwag na monetary policy setting. | ulat ni Melany V. Reyes