Muling nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga BSP Supervised Financial Institutions (BSFI) na iprayoridad ang paggamit ng National IDs sa bank transactions.
Sa inilabas na Memorandum ng BSP ngayong araw, pinaalalahanan ni BSP Deputy Governor Chuchi G. Fonacier ang mga banko at non-bank na tanggapin ang lahat ng format ng National ID kabilang ang Digital National ID bilang official government-issued identification documents.
Hinihikayat din ang BSFIs na i-integrate ang National ID system sa pamamagitan National ID Authentication Services at kaakibat nito ay direkta silang makikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Inirekomenda rin ng BSFIs na iverify ang authentication ng mga National ID sa https://everify.gov.ph/check, kung saan agad makikita ang authentication nito sa pamamagitan ng QR Code.
Una nang intasan ng BSP ang mga BPFI sa i-prioritize ang mga PHilID bilang nasa “top list” of acceptable Valid IDs.| ulat ni Melany V. Reyes