Kasado na sa Lunes, August 5 ang pagsisimula ng budget briefing ng Kamara parasa 2025 National Expenditure program.
Unang haharap ang mga ahensyang miyembro ng Development Budget Coordinating Council o DBCC.
Ayon kay House Appropriations Vice Chair Stella Quimbo, partikular na tatalakayin ng DBCC ang macro-economic assumptions na naging batayan sa pagbuo ng buong 2025 national budget.
Kabilang dito ang growth forecast, inflation maging deficit.
“Umpisahan natin with the DBCC. Sp ibig sabihin yung macro-economic assumptions na kung saan nakabase ang buong 2025. So ibig sabihin, ano yung mga growth forecast, inflation, unemployment, deficit, lahat po yan tatalakayin sa Monday.” sabi ni Quimbo.
Tiniyak naman ni Speaker Martin Romualdez na tutugunan ng budget ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. amg pagpapaunlad pa ng bansa gayundin ay masolusyunan ang mga problemang kinahaharap ng ating mga kababayan.
Sabi pa niya na kayang pagsabayin ng mga mambabatas ang pagtalakay sa budget, iba pang legislative work at maging ang pag ikot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dahil masisipag ang mga mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes