Hindi nakasalang sa Budget Briefing ang Office of the Vice President (OVP).
Dapat ay nitong Huwebes, August 15, ang pagtalakay sa panukalang ₱2.037-billion 2025 Budget ng OVP, kasabay ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Gayunman, ayon kay House Appropriations Vice-Chair Janette Garin, hiniling ng OVP na ipagpaliban sa ibang petsa ang pagsalang nila sa komite.
Ang bagong schedule ng OVP ay itinakda sa August 27.
“Yes. Sa [August] 27th sila per OVP request,” saad sa mensahe ni Garin.
Wala naman ibinigay na iba pang detalye kung bakit hiniling ng OVP ang pagpapalit ng schedule. | ulat ni Kathleen Jean Forbes