Budget utilization ngayong 2024, bumilis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ng 14 percent ang budget utilization ng pamahalaan para sa kasalukuyang taon, kumpara sa kaparehong taon noong 2023.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Undersecretary Joselito Basilio na base sa pinakahuling datos, ang actual spending sa first semester ng 2024 ay higit pa sa itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Nakapagpalabas aniya sila ng nasa P24.6 billion.

“Mayroon kasing disbursement program. Iyong releases have been around 24.6 billion higher than programmed, so, that means may mga na-accelerate tayong mga programa and projects na siyang nasimulan nang mas maaga ngayong taong ito. So overall, as of the second quarter or first semester or end June, initial data collected from agencies – around 14% higher na ang spending natin this year compared with last year.” —Usec. Basilio

Nangangahulugan aniya nito na mayroong mga proyekto na napabilis ang implementasyon o nasimulan nang maaga sa taong ito.

Kabilang na dito ang road network infrastructure programs ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na naging mas mabilis ang implementasyon.

“Ang isa sa mga reason ay nagko-conduct sila ng early procurement activities, meaning, bago pa magsimula iyong January 1 nakapag-bid out na sila ng kanilang mga road infrastructure projects even before the year began so that pag-release ng budget by January 1 nagsimula na kaagad iyong pagpapa-implement ng proyekto.” —Usec. Basilio

Nariyan rin ang Department of National Defense (DND) para sa kanilang modernization program.

Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman, naging mas mabilis din ang pag gugol ng pondo dahil sa mas maganda at nalinis na ang listahan ng kanilang 4ps.

“Ngayon mas may malinis na silang sistema at listahan ng benepisyaryo compared with last year kaya iyong releases nila for 4Ps have been faster for this year compared with last year; Comelec have also started its spending activities in preparation for the local and national elections for next year.” —Usec Basilio. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us