Patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang local government units at national agencies para sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga airport projects sa buong bansa.
Ayon sa CAAP, ilan sa mga proyektong nakumpleto ay ang sa Zamboanga International Airport, kung saan nag donate ang Zamboanga LGU ng mga bagong ambulansya, kung saan malaking maitutulong nito sa mas maayos na serbisyo sa mga byahero sa Zamboanga City at kalapit na lugar.
Kaugnay nito ang Tacloban Airport ay nakinabang sa is isang major upgrade na pagpapalawak ng airport driveway.
Kabilang dito ang installation ng tatlong bagong 5-ton air conditioning units para sa Arrival Area at VIP Room, gayundin ang karagdagang bagong mga solar street lights sa kahabaan ng access road. | ulat ni Lorenz Tanjoco