Canadian warship dumaong sa bansa para sa isang goodwill visit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ng Royal Canadian Navy ang bansa lulan ng Canadian warship na His Majesty’s Canadian Ship-HMCS Montreal nang dumaong ito kahapon, August 2, sa Manila South Harbor sa Lungsod ng Maynila.

Layon ng pagbisitang ito ng Royal Canadian Navy na magsagawa ng goodwill visit sa Pilipinas ngayong buwan bilang bahagi ng Indo-Pacific Strategy ng Canada.

Sa pahayag ni David Hartman, Ambassador ng Canada sa Pilipinas, ang pagbisitang ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at Canada, na naglalayong palakasin ang rules-based international order at ang seguridad sa rehiyon.

Kasabay din ng pagbisitang ito ay magkakaroon ng mga aktibidad para sa professional development, mga pagsasanay kasama ang Hukbong Dagat ng Pilipinas, mga community outreach activity, kabilang ang isang paligsahan ng ice hockey.

Ipinahayag ni Commander Travis Bain ng HMCS Montreal ang kanyang kasiyahan sa pinalakas pang partnership kasama ang Philippine Navy sa pamamagitan ng sailor exchanges at interoperability exercise.

Inaasahan namang mananatili sa bansa ang HMCS Montreal hanggang sa ika-6 ng Agosto na nataon naman sa ika-75 taong anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Canada at Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro

📸: Embassy of Canada in the Philippines

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us