Mabilis umusad sa Kamara ang House Bill 10270 o panukalang Career Progression System Act.
Nilalayon nito na isabatas ang isang career progression system para sa professional growth ng public school teachers sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga career path at advancement sa loob ng education system.
Dalawang career track ang tinukoy sa panukala. Ito ang classroom teaching at school administration.
Bubuo rin dito ng limang bagong mas mataas na position na nakapaloob sa dalawang track na may kaakibat na salary increase.
Isa sa mahalagang probisyon nito ay ang pagkakaroon ng merit-based promotion kung saan uunahing ikonsidera ang competence o kakayanan at merit kaysa quota, bakanteng posisyon at ratio and proportion.
Sa paraang ito, ang mga guro na nais magpatuloy sa pagtuturo ay magkakaroon ng competitive na sweldo na hindi kailangan lumipat na administrative role.
“We want to allow our teachers who are passionate about teaching to be able to continue doing so. Kailangan nating siguraduhin na maaaring manataling nagtuturo ang mga guro na mahusay at may pagmamahal sa pagtuturo. Our primary concern to promote quality education through ensuring the continued development of our teachers and being able to attract the best candidates to nurture our learners,” saad ni House Committee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo, sponsor ng panukala. | ulat ni Kathleen Forbes