Cassandra Ong, hawak na ng Bureau of Immigration ng Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ngayon ni Quad Committee Chairperson Dan Fernandez na nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration ng Indonesia si Cassandra Ong.

Aniya nakikipag-unayan na ngayon ang Police attache ng Pilipinas at Philippine National Police (PNP) Chief sa Indonesia kung paano makuha ang kustodiya kay Ong.

Si Ong ay iniuugnay kay dismissed Bamban, Tatlac Mayor Alice Guo at sa Lucky South 99 na isang POGO sa Porac Pampanga.

Una nang ipina-contempt ng QuadComm si Ong dahil sa kabiguan na dumalo sa mga pagsisiyasat ng Kamara.

Kasama rin si Ong sa mga personalidad na hiniling ng Malacañang na ikansela ang pasaporte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us