Muling ipina-contempr ng Kamara si Cassandra Li Ong.
Ito ay dahil sa pagtangging sumagot sa mga tanong ng mambabatas sa pagdinig ng QuadComm.
Ito ang unang pagkakataong humarap si Ong sa imbestigasyon ng Kamara.
Sa mga pagtatanong ng mga mambabatas ay paulit-ulit niyang ininvoke ang kaniyang right to remain silent.
Kahit ang tanong sa kung saan siya nag-kolehiyo ay ayaw niyang sagutin.
Si Manila Rep. Bienvenido Abante, co-chair mg QuadComm, ang nag-mosyon na ipa-contempt si Ong.
Hiniling naman ni 1Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na bigyang pagkakataon si Ong na ipaliwanag kung bakit ayaw niya sumagot.
Ngunit tumanggi rin si Ong na tumugon dito.
Sa mosyon naman ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, inaprubahan na idetine si Ong sa Women’s Correcional sa Mandaluyong hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng QuadComm at makapaglabas ng committee report.
Sa hiwalay naman na manifestation ni Batangas Rep. Jerville Luistro, binigyang pagkakataon si Ong na pag-isipan kung magsasalita siya sa isang executive session. | ulat ni Kathleen Forbes