CAVITEX C5 Link, libre pa rin ang toll fee — PRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na nananatiling libre ang toll fee sa bagong bukas na Segment 2 ng CAVITEX C5 Link Expressway.

Ayon sa PRA, libre pa ring makakadaan sa nasabing expressway ang motorista hanggang makapag-anunsyo ang Toll Regulatory Board (TRB) ng Notice to Start Toll Collection. 

Ibig sabhin ang mga motorista na manggagaling ng Cavite at mag-exit sa Segment 2 ng C-5 Link at pabalik ay hindi kailangan magbayad ng toll fee. 

Inaasahan ng PRA na  libo-libong motorista ang makikinabang sa libreng  toll.

Patunay anila ito ng pagpapakita ng suporta ng Marcos’ administration sa publiko sa pamamagitan ng vital infrastructure projects.  | ulat ni Lorenz Tanjoco