Pinapababa ng China ang tingin sa kanila ng international community sa patuloy nilang pamba-braso sa Pilipinas, na nagsasagawa lamang naman ng mga routine mission sa sarili nitong teritoryo.
Pahayag ito ni National Security Council (NCS) ADG Jonathan Malaya kasunod ng paggamit ng flare at pagsasagawa ng dangerous maneuver ng dalawang fighter jet ng China, sa non-combat aircraft ng Philippine Air Force sa Bajo de Masinloc, noong Huwebes (August 8).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, nanawagan ang opisyal sa China na tigilan na ang mga ganitong iligal at agresibong aktibidad laban sa Piliinas.
“Iyong paggamit ng flare shows a hostile intent. Of course, it’s not…hindi naman pinaputukan iyong ating mga eroplano ngunit parang kung ano iyong nangyayari sa dagat na nagkakaroon ng water cannon, na nagkakaroon ng laser pointing ay parang ginawa din nila sa himpapawid – and this is a serious escalation on the part of the People’s Republic of China.” —ADG Malaya.
Bukod kasi aniya sa nakapagpa-pataas na ito ng tensyon sa lugar, sinisira rin nito ang stability sa rehiyon.
“Nanawagan po kami sa National Security Council, sa National Task Force West Philippine Sea sa China na tigilan na itong mga ganitong provocative actions against a routine mission by the Philippine Air Force kasi this undermines regional stability at the same time pinapababa rin nito ang pagtingin ng international community sa People’s Republic of China.” —ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan