Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina City sa ginagawa nilang paglilinis sa mga Barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon sa Marikina LGU, nasa 80 porsyento na ang naaabot ng nagpapatuloy na clearing operations sa lungsod.
Gayunman, aminado ang LGU na pahirapan ang ginagawa nilang paglilinis dahil sa kapal ng putik buhat sa ilog Marikina na sinabayan pa ng santambak na basura.
Kaya naman gumagamit sila ng heavy equipment sa paglilinis gaya ng malalaking dump truck, payloader at iba pa.
Inaasahang matatapos ang ginagawang paglilinis ng Marikina LGU ngayong weekend bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng klase sa mga Paaralan doon. | ulat ni Jaymark Dagala