Hinimok ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang mga kapwa Finance Ministers na ipatupad ang integrated solutions tungo sa climate action at poverty eradication.
Binigyang-diin ito ni Recto sa ginanap na high-level meeting kung saan host ang PIlipinas na kailangan na balansehin ang pag-unlad ng ekonomiya sa climate resilience.
Si Recto ang nagbigay ng keynote address sa Coalition of Finance Ministers for Climate Action Regional Meeting na ginanap sa Asian Development Bank Headquarters sa Manila.
Sinabi din ng kalihim sa harap ng mga finance ministers na “unfair” ang climate change lalo na sa mga mahihirap na bansa dahil lalo lang itong maghihirap.
Pinagmalaki naman nito ang ginagawa ng Pilipinas upang makamit ng parehas ang hangarin sa paglago ng ekonomiya at climate objective sa pamamagitan ng National Adaptation at National implementation Plan (NDCIP).
Binanggit din ng DOF chief ang Peoples Survival Fund bilang isang concrete at inovative solutions ng bansa na direktang naghahatid ng mahalagang mapagkukunan ng pondo para sa mga climate adaptation. | ulat ni Melany Valdoz Reyes