Patuloy ang pagbuhos ng biyaya kay 2-time olympic gold medalist Carlos Yulo gayundin sa mga coaches at trainers nito.
Inanunsyo na kasi ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco na kasama ang mga coaches at trainers ni Caloy Yulo sa mabibigyan ng gantimpala dahil sa nakuhang medalyang ginto nito.
Ayon kay Tengco, ito ay nakasaad sa mandato nila sa ilalim ng R.A. 10699 o the National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act na makatatanggap si Allen Aldrin Castañeda ang coach at trainer ni Yulo ng ₱5 million sa bawat gintong medalya ng atleta nito.
Dahil dyan ay aabot sa ₱10 million ang makukuhang gantimpla ni Castañeda bilang trainer ni Yulo. | ulat ni Lorenz Tanjoco