Idineklara na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na wala nang toxic red tide sa dalawang coastal waters sa Visayas.
Sa inilabas na latest shellfish bulletin ng BFAR, clear na sa toxic red tide ang baybaying dagat ng Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte at Villareal Bay sa Samar.
Pinapayagan na ang mga mangingisda na maghango at magbenta ng lahat ng uri ng lamang dagat mula sa mga nabanggit na baybaying dagat.
Samantala, nananatili namang ban at bawal pang kainin ang mga shellfish sa Dumanguillas Bay sa Zamboanga Del Sur, coastal water ng San Benito sa Surigao Del Norte, Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay sa Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte, coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province, Maqueda Bay sa Samar at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Ayon sa BFAR, positibo pa sa Paralytic Shellfish Poison o Toxic Red Tide ang mga lamang dagat sa nabanggit na coastal waters. | ulat ni Rey Ferrer