Mahigit 100,000 kwalipikadong pulis ang makatatanggap ng kanilang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay (CDP) para sa buwan ng Agosto bukas.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Finance Service, 164,647 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP, habang nasa 116,083 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CIP.
Ang ₱3,000 fixed-rate na CDP ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.
Habang ang arawang ₱300 CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation.
Bukod dito, sinabi ng PNP Finance Service na matatanggap din ng 214,291 mga pulis ang kanilang rice subsidy sa Miyerkules para rin sa naturang buwan. | ulat ni Leo Sarne