COMELEC Chair Garcia, hinamon si Sagip Party-list Rep. Marcoleta na panumpaan ang kanyang alegasyon 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Haharap sa anumang pagdinig ng Kamara si Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia para sagutin ang mga paratang na umanoy mayroon siyang mga foreign bank account. 

Sagot ito ni Garcia matapos maghain ng resolution si Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta para siya ay imbestigahan kaugnay ng mga foreign bank account na pinagdududahan na pinaglagyan ng malaking halaga kapalit ng kontrata sa Miru System Company Limited. 

Pero hamon ng COMELEC Chairperson, panumpaan muna ni Marcoleta ang kanyang mga alegasyon upang tindigan saan mang korte. 

Sa press conference ni Marcoleta kahapon, ipinakita niya ang isang bank account mula sa Amerika na umanoy pinaglagyan ng mga pera na posibleng sujol mula sa Miru System Company Limited. 

Ang Miru System Company Limited ang siyang nanalong kontraktor para sa gagamiting technology sa 2025 Midterm Elections. 

Mabilis itong itinanggi ni Garcia at sinabing peke ang naturang bank account. 

Sa sarili niyang pagsisiyasat, may taong gumawa ng naturang bank account at ginamit ang kanyang pangalan para palabasing siya ang nagmamay-ari nito.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us