COMELEC Chair Garcia, nanindigang tama lang ang ginawa nilang pag-disqualify sa Smartmatic matapos kasuhan ng money laundering si dating Chair Andres Bautista sa Amerika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumakas pang lalo ang loob ng Commission on Elections na panindigan ang kanilang desisyon na i-disqualify ang Smartmatic sa bidding para sa pagkuha ng technology provider para sa 2025 Midterm Elections.

Ito’y matapos kasuhan ng Department of Justice sa Amerika ng paglabag sa Anti-Money Laundering si dating COMELEC Chairperson Andres Bautista.

Sinabi ni Garcia na unti-unting lumalabas ang mga ebidensya na nagkaroon ng suhulan sa mga opisyal ng COMELEC noong 2016 para paburan ang Smartmatic at igawad ang election contract ng Pilipinas.

Kasabay nito, kanyang tiniyak sa US DOJ na makikipagtulungan ang COMELEC para sa mga dokumento na kakailanganin sa kaso.

Katunayan, mayroon na daw mga kinatawan mula sa US DOJ ang nagtungo sa kanila na humihingi ng mga dagdag ebidensya para madiin sa kaso si Bautista.

Hindi naman tinukoy ni Garcia kung anong mga dokumento ang kanilang ibinigay sa US DOJ. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us