Iprinisinta ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P7,500 gold at P750 silver commemorative coins ng central bank.
Ang presentation ay kasabay ng 75th Anniversary ng central banking sa Pilipinas.
Itinatampok sa obverse side ng gold at silver non-circulation legal tender coins ang Intendencia o kilala rin bilang Aduana Building sa Intramuros, Manila.
Ang Intendencia ay ang unang gusali na nagsilbi bilang unang punong tanggapn ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa kabilang side, ang mga barya ay nagpapakita ng mga marka ng taong 1949 ay kulay ng ika 75th year anniversary.
Ang malasalamin na baryang ito ay ginawa sa pinakabagong teknolohiya sa digital printing.
Iaanunsyo din ng Central Bank sa pamamagitan ng mga social media channel kung kailan mabibili ang mga commemorative cent at ibebenta sa pamamagitan ng BSP store. | ulat ni Melany Valdoz Reyes