Pirmado ng 21 senador ang committee report tungkol sa panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources o Senate Bill 2771.
Layon ng panukala na bumuo ng isang hiwalay na departamentong mangangasiwa sa suplay at distribusyon ng malinis na tubig; gumawa at magpatupad ng mga programa para maresolba ang mga pagbaha; at tiyakin na integrated ang mga polisiya ng lahat ng ahensya ng gobyerno hinggil sa water security.
Sa ilalim ng panukala, ililipat sa panukalang departamento ang trabaho at mga tauhan ng:
- National Water Resources Board (NWRB)
- Local Water Utilities Administration (LWUA)
- Water Supply and Sanitation Office ng Department of the Interior and Local Government (DILG)
- at mga opisina sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na River Basin Control Office, Manila Bay Coordinating Office, at Water Resource Management Office.
Gayundin ang kapangyarihan at trabaho ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangangasiwa sa mga imbakan at daluyan ng waste water at ang pamamahala sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Laguna Lake Development Authority (LLDA), at National Irrigation Administration (NIA). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion