Nakatakda nang ihain ng Senado ngayong lingo ang kasong criminal cases laban dating Mayor Alice Guo.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nakausap niya si Senate Secretary Rey Bantug tungkol dito at pinupulido na lang ang isasampang kasong perjury at disobedience to summon laban kay Guo.
Bagamat bailable offense ang mga kasong ito, sinabi ng senador na pwede namang mag-request ang Senado hold departure order (HDO) laban kina Guo.
Nakadepende aniya kung gaano kabigat ang kaso lalo na’t lumalabas rin aniyang sentro siya ng mga nangyari sa pagpapatayo at operasyon ng mga POGO. | ulat ni Nimfa Asuncion