CSC, nagtala ng 91.82% turnout sa August Career Service Exam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na turnout ng examinees sa katatapos na Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong linggo, August 11.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nasa 329,313 indibidwal ang kumuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional and Subprofessional levels sa 95 testing centers sa buong bansa.

Mula sa bilang na ito, 296,602 ang kumuha ng eligibility exam para sa professional level habang higit 32,711 naman sa sub-professional.

Nasa 29,338 examinees naman ang naitalang absent noong araw ng pagsusulit.

Naging maayos at organisado sa pangkalahatan ang idinaos na Career Service Exam.

Kasama sa tinutukan ng CSC ang Dinagat Islands kung saan may higit 1,500 examinees.

Inaasahan naman ng komisyon na mailalabas ang resulta ng pinakahuling Career Service Exam matapos ang dalawang buwan o sa October 20. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us