DA, bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng mga bakuna vs. foot and mouth disease

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng technical working group (TWG) upang pag-aralan ang posibilidad ng paggawa ng mga bakuna kontra foot and mouth disease (FMD).

Bagama’t kinikilala ng World Organization for Animal Health ang bansa bilang FMD-free nang walang vaccination practice mula noong May 2014, nakikita pa rin ng Department Agriculture (DA) ang malaking epekto sa ekonomiya ng banta ng outbreak ng naturang sakit na nakakahawa sa hayop.

Matagal na panahon na ring hindi nababakunahan ng mga hayop sa Pilipinas laban sa FMD. Ang mga baka, baboy at kambing ay kabilang sa mga hayop sa bukid na madaling tamaan ng FMD.

Ang Indonesia, Thailand, at Vietnam ay kabilang sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas na kamakailan ay nag-ulat ng mga kaso ng FMD.

Itinalaga naman ni Secretary Laurel si Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, isang Doctor of Veterinary Medicine, bilang chairman ng nasabing TWG.

Ang TWG ay magrerekomenda ng mga technical input upang matiyak ang posibilidad ng lokal na paggawa ng mga bakuna kontra FMD. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us