DA Chief, pinangunahan ang pagbubukas ng bagong BPI Quarantine Office sa Subic Freeport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na ng Department of Agriculture (DA) ang bagong tanggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI) National Plant Quarantine Services Division sa Subic Freeport Zone.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isang mahalagang hakbang aniya ito para sa pagpapahusay ng agricultural biosecurity ng bansa.

Maging ang pagtugon sa mga potensyal na panganib na dulot ng mga peste at sakit ng halaman.

Binigyang diin ng kalihim ang pagtatayo ng pasilidad ay commitment ng pamahalaan para maprotektahan ang agriculture sector, ang kabuhayan ng mga Pilipino para sa food safety, at security.

Binigyang-diin din nito ang kritikal na papel ng plant quarantine services sa pagmamantine ng food security at pagsuporta sa mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us