Hindi sang-ayon ang Department of Agriculture (DA) sa mga mungkahi na ideklara ang state of emergency bilang tugon sa pagtaas ng mga kaso ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa ngayon ay sapat na ang pinahusay na mga border control, ang ikinasang inoculation program, at ang pagdagdag sa pagbabayad sa mga na-cull na mga baboy.
Tiniyak ng kalihim na ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF ay hindi magresulta ng pagkukulang sa suplay o pagtaas sa presyo ng karne ng baboy.
Hindi tulad ng unang tugon sa ASF noong 2019, na kinakailangang magpatupad ng malawakang lockdown sa buong bayan.
Sa ilalim ng bagong diskarte ay tututok lang muna sa paghiwalay lamang sa hog farms na nagpositibo sa sakit.
Una nang naglatag ang DA ng mga checkpoint, upang mapigilan ang transportasyon ng mga may sakit na hayop.
Gayundin ang kagyat na pagbili ng 10,000 doses ng mga bakuna kontra ASF para sa emergency inoculation sa mga apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer