DA, inilatag ang mga alituntunin kaugnay sa ASF vaccine sa mga magsasaka sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng patuloy na paglaban sa African Swine Fever (ASF), inilatag ng Department of Agriculture (DA) ang mga alituntunin kaugnay sa paggamit ng ASF vaccine sa mga magsasaka sa Batangas.

Sa ginanap na pagpupulong, ipinaliwanag ng DA-Bureau of Animal Industry o BAI team sa pangunguna nina Undersecretary Deogracias Sevellano at Assistant Secretary Constante Palabrica ang draft guidelines sa pagpapatupad ng controlled use ng ASF vaccine.

Tinalakay din ang mga hakbang at requirements sa paggamit nito.

Sa briefing, nagparehistro ang mga magsasakang interesado sa pagbabakuna ng kanilang mga baboy.

Bago bakunahan, kukuhaan muna ng blood sample ang mga baboy upang masuri kung may impeksyon ng ASF. Tanging mga malulusog na baboy lamang ang babakunahan upang maiwasan ang pagkalat ng virus at posibleng mutation nito.

Ang Batangas ay kasalukuyang sentro ng muling pagkalat ng ASF, isang virus na lubhang nakaapekto sa industriya ng baboy mula pa noong 2019. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us