DA, inilatag na ang mga ginagawang hakbang kasunod ng oil spill incident sa Bataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinaiigting ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng oil spill incident sa sektor ng pangisdaan.

Sa inilabas na bulletin ng DA DRRMS, nakasaad na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang DA sa mga apektadong LGUs, at mga ahensya para agarang matugunan ang sitwasyon.

Sa panig ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), tuloy-tuloy na ang fish sampling sa mga karagatang sakop ng Central Luzon, Calabarzon, at NCR.

Nagsasagawa na rin ng coastal clean-up at chemical analysis sa coastal cities sa Metro Manila kabilang ang Navotas, Parañaque at Las Pinas.

Tumulong din ang BFAR sa pagbuo ng mga spill boom para maiwasan ang pagkalat pa ng langis sa karagatan.

Habang nagkaroon na rin ng Site inspection sa Dolomite Beach, Manila

Una nang sinabi ng DA na nakatutok na ito sa sitwasyon ng mga mangingisda sa mga karagatang naapektuhan ng oil spill.

Batay sa tala ng BFAR, nasa tinatayang 46,090 na mga mangingisda at higit 16,000 mga bangkang pangisda ang posibleng maapektuhan sakaling lumawak pa ang oil spill sa Bataan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us