Sisimulan na ng Department of Agriculture ang orientation at pagkuha ng blood samples para sa mga baboy sa Batangas na isasalang para bakunahan kontra ASF.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, wala pa munang bakunahan bukas dahil kailangan pang hintayin ang resulta ng blood testing na tatagal ng 20-48 oras.
Kapag matukoy na negatibo sa ASF ang isang farm, saka aniya itutuloy sa bakunahan sa mga baboy.
Paliwanag ng DA, mahalaga matiyak na walang ASF ang mga mababakunahan na baboy upang makita kung epektibo ang bakuna.
Sa kasalukuyan, nasa bansa na ang 10,000 dosage ng bakuna kontra ASF.
Marami na rin aniya ang mga hog raiser na nagboluntaryong mapasama sa bakunahan kontra ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa